Trillanes tinawag na immature ni DOJ Sec. Guevarra
Nanindigan ang Department of Justice na walang kinalaman ang kanilang hanay sa pag-aaral o pag-review sa amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Benigno Aquino III kay Senador Antonio Trillanes IV.
Tugon ito ni Justice Sec. Menardo Guevarra na tumatayong officer-in-charge o tagapangalaga ng bansa habang nasa official visit si Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel.
May kaugnayan ito sa banat ni Trillanes na kasama na ang kalihim sa listahan ng mga opisyal ng administrasyong Duterte na incompetent.
Paliwanag ni Guevarra, hindi siya pumapatol sa mga personal na pag-atake ni Trillanes na isang immature.
Idinagdag pa ng kalihim na bagaman may ipinakitang video clips si Trillanes ng pag-apply niya para sa amnesty, wala naman aniya itong ginawang pag-amin sa kaniyang mga kasalanan.
Nanindigan rin ang kalihim na may butas ang ibinigay na amnesty sa mambabatas at kaya umano nila itong patunayan lalo na kapag iniakyat ni Trillanes ang isyu sa Supreme Court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.