Video ni Sen. Trillanes habang nag-aapply ng amnestiya, walang maitutulong – Malakanyang

By Chona Yu September 05, 2018 - 12:55 PM

Walang bearing o walang saysay para sa Malakanyang ang ipinangangalandakang video ni Senador Antonio Trillanes IV na nag-apply siya ng amnestya at inamin ang pagkakamali nang mag-aklas laban sa gobyerno nang lumusob sa Oakwood at Manila Peninsula Hotel sa Makati City.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dokumento at hindi video ang pinag-uusapan para mapatunayan ni Trillanes na nag-apply siya ng amnesty.

Katunayan, sinabi ni Roque na hindi rin sapat ang application form kundi dapat ang received copy.

Ito ay para mapatunayan ni Trillanes na tinanggap ng gobyerno ang kanyang aplikasyon na amnesty.

Hanggang sa ngayon, pinaninindigan ng palasyo na walang inihahaing aplikasyon si Trillanes at wala ring admission of guilt.

“Well, unang-una po, hindi ko po alam kung iyong application na iyan ay na-receive po ng gobyerno. Kinakailangan naman, hindi lang siya magpapakita ng application, kinakailangan ‘received application’ ang ipapakita niya. Iyong mga video wala pong sabihin iyan, dahil ang importante po iyong dokumento mismo ‘no; at pangatlo, ano ang nakasulat doon sa dokumento kung meron ngang ganyang dokumento, dapat umaamin siya doon sa krimen na kudeta na sa tingin ko po ay hindi po talaga nangyari,” ayon kay Roque.

TAGS: Antonio Trillanes IV, Harry Roque, Radyo Inquirer, Antonio Trillanes IV, Harry Roque, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.