Mas mataas pang inflation at presyo ng bilihin ibinabala ni Bayan Muna Rep. Zarate

By Erwin Aguilon September 05, 2018 - 12:48 PM SHARE(S):

Nagbabala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ng muli pang pagtaas ng inflation rate kasunod ng pagpasa sa Kamara ng TRAIN2.

Ayon kay Zarate, ang pagsirit ng inflation sa 6.4% noong nakalipas na buwan ng Agosto ay dapat isisi kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang mga economic managers.

Sinabi ni Zarate na hindi pa nga nakakabawi ang sambayanan sa mataas na bilihin dahil sa TRAIN 1 at nais namang madaliin ng gobyerno ang pagiging batas ng TRAIN 2.

Babala pa nito sa taong 2019 at posibleng mahigit doble ang itaas sa presyo ng mga bilihin kapag hindi naibasura ang TRAIN1 at 2.

Pinayuhan naman ni Zarate ang pamahalaan na sa halip na unahin ang politika at pangha-harass sa oposisyon ay dapat pagtuunan ng pansin kung paano ibaba ang inflation at mataas nba presyo ng bilihin.

TAGS: inflation rate, Radyo Inquirer, train 1, TRAIN 2, zarate, inflation rate, Radyo Inquirer, train 1, TRAIN 2, zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.