Nagpayo kay Pang. Duterte para bawiin ang amnesty ni Trillanes pinagbibitiw ni Rep. Erice

By Erwin Aguilon September 05, 2018 - 12:30 PM

Hinamon ni Caloocan Rep. Edgar Erice ang nagpayo kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa ang amnesty ni Senator Antonio Trillanes na magbitiw na sa puwesto.

Ayon kay Erice, kung sino man ang nagpayo sa pagrevoke ng amnestiya ng senador ay naglagay lamang sa pangulo sa kahihiyan.

Paliwanag ni Erice, malinaw naman na inamin ni Trillanes ang kanyang pagkakamali sa pag-aalsa laban sa pamahalaan.

Mapapanood din anya sa video ang paghahain ng application for amnesty ng senador.

Bukod pa rito ang mga larawan na nagpapakita ng kopya ng mismong aplikasyon ni Trillanes.

TAGS: amnesty, Antonio Trillanes IV, amnesty, Antonio Trillanes IV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.