280 OFWs galing UAE dumating sa bansa

From DFA

Dumating na sa bansa ang mahigit halos 300 undocumented na overseas Filipino workers (OFW) mula sa United Arab Emirates (UAE).

Ang 280 na OFWs ay nag-avail ng amnesty program ng UAE government. 100 sa kanila ay galing Dubai at 180 naman mula Abu Dhabi.

Lumapag ang mga OFW sakay ng Philippine Airlines Flight PR 657 sa NAIA Terminal 1 bandang 9:30 ng umaga.

Sinalubong ang mga OFW ng mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Consul General Paul Raymond Cortez, ang mga bagong dating na OFW ay ikatlong batch ng undocumented na Pilipino mula sa UAE.

Sinagot naman ng DFA ang exit fees, penalties at airplane ticket ng mga OFW pauwi sa kani-kanilang probinsya.

Maliban dito, pinagkalooban din ang mga OFW ng tulong-pinansyal na aabot sa P5,000.

Hinikayat naman ni Cortes ang iba pang Pilipino na kumuha ng naturang programa sa Consulate General at Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi.

 

Read more...