Rumored couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson nagbakasyon sa Hong Kong

By Angellic Jordan September 05, 2018 - 12:13 PM

IG Photo

Spotted ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson na magkasamang nagbabakasyon sa Hong Kong.

Gamit ang kanilang Instagram account, nag-post ang dalawa ng kani-kanilang mga larawan sa mga binisitang lugar sa naturang bansa.

Nakita ang dalawang Kapamilya stars na magkasama sa isang mall, sa tren at airport.

Nakita rin ng ilang mga Pilipino sina Bea at Gerald habang nag-iikot kung kaya’t kumalat din ang ilang selfies ng mga ito kasama ang dalawa.

Kahit na wala pang inaamin, matatandaang sinabi ni Bea noong May 2018 na inayos nila ni Gerald ang kanilang relasyon.

TAGS: Bea Alonzo, Gerald Anderson, Hong Kong travel, Radyo Inquirer, Bea Alonzo, Gerald Anderson, Hong Kong travel, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.