Lalaki arestado sa Tagbilaran; droga inilagay sa basyo ng facial cream

By Angellic Jordan September 05, 2018 - 11:59 AM

INQUIRER PHOTO | LEO UDTOHAN

Arestado ang isang lalaki matapos magtangkang ipuslit ang ilegal na droga sa loob ng kulungan sa Tagbilaran City Police Station, Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, ginamit ng suspek na si Vincent homar Maca Bitancor, 34-anyos ang lalagyan ng isang facial moisturizer cream para ipuslit ang droga.

Binisita kasi ng suspek ang kaniyang kaibigan na si Ulysses Sale na nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga.

Nang mapansin ng jail guard na may kakaiba sa lalagyan, inutusan nito si Bitancor na buksan ang umano’y ‘cream.’

Dito na natagpuan ang isang maliit na pakete ng shabu, tooter at ilang drug paraphernalia.

Agad tumakbo ang suspek papunta sa kaniyang sasakyan para tumakas ngunit na-korner din ng mga pulis.

Maliban dito, nakuha pa ang karagdagang siyam na pakete ng shabu sa loob ng sasakyan nito.

Paliwanag ng suspek, ni-rent niya lang ang sasakyan sa isang kaibigan at walang kinalaman sa mga nasabat na droga.

Sa ngayon, nakadetine ang suspek sa Tagbilaran City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

TAGS: Facial Cream, Radyo Inquirer, tagbilaran city, Facial Cream, Radyo Inquirer, tagbilaran city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.