Bahagyang bumaba ang target collection ng Bureau of Customs ng Bureau of Customs noong buwan ng Setyembre.
Ayon kay Customs Commissioner Bert Lina, umabot lamang sa P32.7B ang pinagsamang import duties at buwis na nakolekta ng ahensya noong nakaraang buwan na mababa ng 0.8 percent noong nakaraang taon.
Gayunman, paliwanag ng BOC, ang pagbaba ay resulta ng decrease sa total imports value ng 5.4 percent .
Ito’y sa kabila ng 20.5 percent na pagtaas sa dami ng mga produktong pumasok sa bansa noong Setyembre.
Mula sa 9 na bilyong piso noong nakaraang taon, bumagsak ang kita ng BOC sa 6 na bilyong piso mula sa mga imported oil products kumpara noong nakaraang taon.
Paliwanag pa ni Lina, bagaman nadagdagan ng 17 percent ang imports ngayon, mas mababa naman ang value o halaga nito ng 1.8 percent na nagresulta sa mababang koleksyon ng buwis.
Sa kabila nito, umaasa ang BOC na maaabot pa rin ang 436.6 bilyong piso na target collection para sa 2015.