Andi Eigenmann ibinenta ang lahat, walang kasambahay sa Baler

By Angellic Jordan September 05, 2018 - 11:21 AM

IG Photo

Nilinaw ni Andi Eigenmann sa kanyang mga krikito ang tunay na sitwasyon ng kaniyang pamumuhay sa Baler, Aurora.

Sa kaniyang Instagram account, nag-comment kasi ang isang netizen sa larawan nito na mayroon pa rin umanong malaking bahay, yaya, tagaluto si Andi.

Ayon pa sa basher, ang tanging bago lang ay ang malayong pamumuhay nito sa Metro Manila.

Agad naman itong sinagot ni Andi at sinabing ibinenta niya ang lahat ng mga mamahaling ari-arian para magkaroon ng simpleng pamumuhay.

Wala rin aniya silang kasamang yaya ni Ellie.

Sa kabila nito, marami pa ring netizen ang nagpapakita ng suporta sa naging desisyon ni Andi.

Matatandaang lumipat si Andi kasama ang anak sa naturang lalawigan para iwan ang magarang pamumuhay sa showbiz simula noong Hunyo.

 

TAGS: Andi, andi eigenmann, Baler Aurora, Ellie, Radyo Inquirer, Andi, andi eigenmann, Baler Aurora, Ellie, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.