Inflation tumaas sa 6.4% noong nakaraang buwan; pinakamabilis na pagtaas sa nakalipas na 9 na taon

Tumaas sa 6.4 percent ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilhin at serbisyo noong buwan ng Agosto.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ito na ang pinakamabilis na pagtaas ng inflation na naitala sa nakalipas na siyam na taon.

Noong March 2009 kasi huling naitala ang 6.6 percent na inflation.

Mas mataas din ito kumpara sa naging forecast ng Bango Sentral ng Pilipinas na (BSP) na 5.5 hanggang 6.2 percent.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Benjamin Diokno, muling aaralin ng economic managers ng pamahalaan ang kanilang 2018 inflation forecast na itinaya lamang sa 4 hanggang 4.5 percent noong Hulyo.

Read more...