P2P buses na biyaheng Cubao to NAIA umarangkada na

By Angellic Jordan September 05, 2018 - 10:35 AM

Inilunsad na ang bagong premium point-to-point (P2P) buses na may ruta mula Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sakop ng bagong ruta ng UBE Express bus ang mga pasaherong magmumula sa Araneta Center sa Cubao hanggang NAIA Terminals 1, 2, 3 at 4.

Kada bus, mayroong libreng WiFi para sa 156 pasahero.

Gamit ang kanilang Facebook page, sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na aabutin lang ng P100 ang pamasahe sa naturang bus.

Mayroong two-hour interval ang alis ng mga bus.

Magsisimula ang unang biyahe mula sa Cubao ng 7:00 ng umaga habang 9:00 ng gabi ang huling biyahe.

Samantala, 5:30 naman ng madaling-araw ang alis ng unang biyahe sa NAIA at 9:00 ng gabi naman ang huling biyahe.

TAGS: Cubao QC, dotr, MIAA, NAIA, p2p, transportation, Cubao QC, dotr, MIAA, NAIA, p2p, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.