Bilang ng walang trabaho nabawasan; pero underemployment rate tumaas – PSA

Bumaba ang unemployment rate ngayong Hulyo kumpara sa kaparehong buwan noong 2017, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA Labor Force Survey, mula sa 5.6 percent, bumaba ito ng 5.4 percent.

Gayunman, tumaas naman ang underemployment rate sa bansa sa 17.2 percent mula sa dating 16.3 percent.

Sa isang panayam, sinabi ni Ateneo Graduate School of Business professor Wilfrido Arcilla na hindi lang ang dami ng trabaho ang mahalaga kundi maging ang kalidad ng mga ito.

Paliwanag nito, ang pagtaas ng underemployment rate ay nangangahulugan na maraming empleyado ang naghahanap ng karagdagang trabaho para maabot ang kinakailangang sweldo.

Maaari pa aniyang magpatuloy ang pagtaas nito dahil sa tagal ng pagpapatupad ng dagdag sa minimum wage.

Ang jobless rate ay base sa bilang ng mga Pilipinong may edad 15 pataas habang ang mga underemployed naman ay ang mga empleyado na may trabaho ngunit nais magkaroon ng dagdag na oras o dagdag-trabaho.

Read more...