LOOK: Mga biyahe ng PAL patungong Osaka, Japan kanselado dahil sa Typhoon Jebi
Kinansela na ng Philippine Airlines (PAL) ang mga biyahe nito mula at patungong Japan ngayong araw, September 5, hanggang bukas September 6.
Sa abiso ng PAL ito ay dahil sa temporary closure na ipinatutupad sa Kansai International Airport bunsod ng pagbaha.
Kabilang sa mga apektadong biyahe ang mga sumusunod:
September 5 (cancellations):
• PR408/407 Osaka (Kansai) – Manila- Osaka (Kansai)
• PR410/409 Cebu – Osaka (Kansai) – Cebu
• PR 896/897 Taipei – Osaka (Kansai) – Taipei
September 6 (cancellations)
• PR408/407 Osaka (Kansai) – Manila- Osaka (Kansai)
• PR410/409 Cebu – Osaka (Kansai) – Cebu
• PR 896/897 Taipei – Osaka (Kansai) – Taipei
Ayon sa PAL ang mga biyahe mula at patungo sa Tokyo Haneda, Tokyo Narita, Nagoya at Fukuoka gayundin ang mga biyahe mula at patungong Taipei ay tuloy lahat base sa itinakdang schedule dahil hindi naman apektado ng bagyo ang nasabing mga lugar.
Inabusuhan din ng PAL ang mga pasahero na ang land transfer mula Oska hanggang Kansai Airport at pabalik ay hindi muna pinapayagan dahil mayroong tulay na daraanan na napinsala ng tanker na tinangay ng malakas na hangin.
Hinihintay pang umayos ang kondisyon ng panahon bago maisaayos ang tulay.
Pinayuhan ng PAL ang mga pasahero na mag-antabay sa mga susunod pang abiso na ipalalabas ng airline company.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.