PNR Caloocan-Dela Rosa line dadagdagan pa ng istasyon

Magdaragdag pa ng mga istasyon ang Caloocan-Dela Rosa line ng Philippine National Railways (PNR).

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) epektibo sa September 10, mas hahaba pa ang linya at gagawing Sangandaan (Samson Road), Caloocan hanggang FTI sa Taguig.

Tatlo na hihintuang istasyon ang idinagdag sa nasabing linya, kabilang ang Sangandaan sa Caloocan, ang EDSA at ang FTI.

Mananatili naman sa P15.00 ang minimum na pasamahe sa tren.

Read more...