Sen. Trillanes sasama sa mga pulis kung may warrant of arrest – Sotto
Handa umano si Senator Antonio Trillanes IV na sumama sa mga arresting officer kung may karampatang warrant of arrest.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ito ang sinabi mismo sa kanila ni Trillanes.
Binanggit aniya ni Trillanes na kung mayroong warrant of arrest na ipapalabas laban sa kaniya ay sasama siya sa mga pulis.
“Sen. Trillanes has confided to us that if a warrant is issued, he will go with d arresting officers,” ani Sotto.
Kahapon ay nagsagawa ng caucus ang senado kung saan napagpasyahan ng mga senador na huwag hayaang dakipin si Trillanes sa loob ng senado.
Ani Sotto hindi naman nila hinaharang ang pag-aresto at sa halip ay sumusunod lamang sila sa tradisyon ng senado kung saan hindi pinapayagan na damputin ang isang senador habang nasa loob ng mataas na kapulungan.
Unanimous aniya ang naging pasya ng mga senador na dapat panatilihin ang dignidad ng senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.