Lalaking dati nang nakulong dahil sa ilegal na droga patay sa pamamaril sa Cagayan

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2018 - 09:27 AM

Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Centro 10 sa lalawigan ng Cagayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo lamang sa harapn ng tindahan ang biktimang si Gilbert Lavadia, 48 anyos, nang dumating ang riding in tandem at saka siya pinagbabaril.

Naisugod pa sa ospital si Lavadia pero idineklarang dead-on-arrival.

Ayon kay Superintendent George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police, noong 2016, si Lavadia ay naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

October 2017 naman nang makalaya si Lavadia sa pagkakabilanggo pero sa halip na magbagong-buhay ay bumalik ito sa operasyon ng ilegal na droga.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pagpatay sa biktima at sa pagkakakilanlan ng dalawang salarin.

TAGS: ambush incident, cagayan valley, Radyo Inquirer, ambush incident, cagayan valley, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.