1.4B katao mataas ang tsansang tamaan ng nakamamatay na sakit dahil sa kawalan ng ehersisyo – WHO
Lumitaw sa isang pag-aaral ng World Health Organization na aabot sa mahigit 1.4 bilyong katao sa mundo ang lantad sa mga nakamamatay na mga sakit dahil sa kawalan ng ehersisyo.
Mahigit 30% ng mga babae at mahigit 25% naman ng mga lalaki sa buong mundo na pawang nasa hustong gulang na ang lantad sa mga nakamamatay na sakit gaya ng heart disease, diabetes at cancer kung hindi sila magiging aktibo.
Ayon sa pag-aaral na inilathala sa The Lancet Global Health Journal, ang kawalan ng physical activity ay leading risk factor sa mga non-communicable diseases at mayroon din itong negatibong epekto sa mental health at kalidad ng buhay.
Sa rekomendasyon ng WHO ang taong nasa sapat na edad ay dapat mayroong hindi bababa sa 150 minutes na “moderate to intensity” exercise gaya ng brisk walking, swimming o gentle cycling kada linggo o ‘di kaya naman ay 75 minutes na “vigorous to intensity” activity gayang pagtakpo o pagsali sa team sports.
Sa ginawang pag-aaral, binantayan ang activity levels ng 1.9 million na tao sa 168 na bansa sa buong mundo.
Natuklasan na mula 2001 hanggang 2016 ay walang pinagbago sa physical activity levels ng mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.