Duterte, may posibilidad pa ring tumakbo bilang pangulo
Posibleng mapilitang kumandidato si Davao City mayor Rodrigo Duterte para humalili sa pambato ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa presidential race.
Ito’y matapos umatras sa kaniyang kandidatura bilang pangulo si PDP-Laban standard bearer Martin Diño, dahil na-insulto siya umano pagdedeklara sa kaniya bilang isang nuisance candidate o panggulong kandidato ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Diño, kanya nang hiniling kay Duterte na kung maari, siya na ang pumalit sa kanya bilang standard bearer ng kanilang partido.
Gayunman, wala pa rin namang inilalabas na desisyon si Duterte kung handa siya na punan ang iniwanang kandidatura ni Diño.
Magugunitang ilang beses nang tinanggihan ni Duterte ang mga apela sa kaniya ng taumbayan na tumakbo bilang presidente, at nilinaw na rin niya noon na wala siyang balak maging substitute candidate.
Una na ring sinabi ni Duterte na ang kanyang desisyon kung tatakbo o hindi bilang bilang pangulo ng bansa ay depende sa magiging pasya ng kanilang partido.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.