3 drug suspects arestado sa Marikina

Marikina City Police Photo

Arestado ang tatlong drug suspects sa ikinasang buy-bust operation ng Marikina City Police sa Brgy. Nangka, Marikina City.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa Block 20 Lot 50, 6th Street Phase 2 sa Balubad Settlement.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jeffrey Buensoceso, 26 anyos; Chritstian Miranda, 18 anyos at James Padilla, 30 anyos.

Habang isang suspek pa na kinilalang si Mac Nolasco alyas Bosyo ang pinaghahanap.

Nakuha mula sa mga suspek ang mga sachet ng hinihinalang shabu.

Read more...