Habagat, hinahatak ng LPA na nasa loob ng bansa
Patuloy na makakaapekto ang Habagat sa Southern Luzon at buong Visayas na hinahatak ng isang low pressure area (LPA) sa loob ng bansa.
Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan sa layong 1,240 kilometro Silangan ng Basco, Batanes ang LPA.
Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat at minsan ay may kalakasan na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang MIMAROPA, Cavite, Batangas, Bicol Region at buong Visayas.
Ibinabala ng weather bureau sa Palawan at western Visayas na maging alerto sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa
Sa nalalabing bahagi ng Luzon naman at sa buong Mindanao ay makararanas ng maalinsangan ang panahon na may panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.