Kapwa Magdalo ni Senador Trillanes hindi magtatago sakaling bawiin din ang amnestya

By Erwin Aguilon September 05, 2018 - 12:13 AM

AP Photo via INQUIRER.net

Nanindigan si Magdalo Representative Gary Alejano na hindi siya magtatago sakaling bawiin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty sa kanya.

Ayon kay Alejano, hindi malayong gawin din sa kanya ni Duterte ang ginawa kay Trillanes pero nanindigan ito na lalaban niya ito sa ligal na paraan.

Paliwanag ni Alejano, nakapasa naman sila sa mga itinatakdang requirements nakapaloob dito.

Inaasahan na rin aniya nila ang panggigipit kay Trillanes na bumabatikos sa pangulo dahil ginawa na rin ito kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pinatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Samantala, sinabi ni Alejano na mag-uusap pa lamang sila ng kanyang mga kasamahan sa Magdalo upang pag-aralan ang susunod na hakbang kasunod ng pag-revoke ng amnestiya kay Trillanes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.