30 granada narekober sa Davao

By Angellic Jordan September 05, 2018 - 12:12 AM

Narekober ng mga bomb expert ng Task Force Davao ang hindi bababa sa 30 piraso ng granada sa isang coastal area sa distrito ng Toril sa Davao, Martes ng umaga.

Ayon kay Capt. Jonathan Sarausas, tinawag ang atensyon ng tropa ng pamahalaan ng barangay captain ng Sirawan matapos makita ang dalawang hand grenades sa bahagi ng Sitio Baybay.

Ayon sa mga otoridad, ang mga nakuhang granada ay isang klase ng hand MK2.

Agad namang nakipagtulungan ang Task Force Davao sa Technical Support ng Davao City Police Office sa pagkuha ng mga ito.

Sa ngayon, dinala na ang mga nakuhang pampasabog sa kustodiya ng explosive ordnance team ng TF Davao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.