Palibot ng senado magdamag na binantayan ng mga tauhan ng CIDG at military police

By Dona Dominguez-Cargullo September 05, 2018 - 06:32 AM

Kuha ni Isa Umali

Bantay sarado ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang palibot ng senado.

Simula kahapon ng tanghali dumating na sa senado ang mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Isang mobile patrol ng PNP ang nakaparada sa mismong bukana ng senado habang ang ibang pwersa ay nasa palibot ng gusali.

Pagsapit naman ng ala 1:00 ng madaling araw ay may dumating na mga Military Police sa lugar at tumulong din sa pagbabantay.

Matipid naman sa pagbibigay ng panayam ang mga pulis at sundalo at ayaw sagutin kung ang kanilang presensya doon ay para dakipin si Senator Antonio Trillanes IV.

 

TAGS: amnesty, Antonio Trillanes IV, CIDG PNP, Isa Umali, Radyo Inquirer, Senate, amnesty, Antonio Trillanes IV, CIDG PNP, Isa Umali, Radyo Inquirer, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.