Isang Montero Sport inatrasan ang isa pang sasakyan sa Pasay City

By Isa Avendaño-Umali September 05, 2018 - 12:00 AM

Nag-wild ang isang Montero Sport, sa dela Rama St., malapit sa may Manila Film Center sa Pasay City o papuntang tanggapan ng Senado.

Ayon sa driver na si Patricio Notorio, biglang umatras ang sasakyan na may plate number na TIE 405.

Nang kausapin ng Radyo Inquirer ang driver ay nangangatog pa ito sa takot.

Naka-park lamang aniya siya at naghihintay sa kanyang amo, nang magwala ang sasakyan.

Mabilis na umatras ang Montero, na 2011 model, at buti na lamang ay walang naatrasang tao.

May isang L300 na nahagip ang Montero, pero minor lamang ang tama.

Sa damuhan tumuluy-tuloy ang Montero, na naflat pa ako gulong.

Kinumpirma ni Notorio na 18-days pa lang siyang driver ng bagong amo, pero matagal na umano siyang nagmamaneho ng iba’t ibang sasakyan.

Iniimbestigahan na ang pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.