Patay ang deputy commander ng Pasay City Police Station 4 matapos tambangan ng riding in tandem, Martes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Police Inspector Alan Ortega.
Batay sa inisyal na impormasyon, nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Ortega.
Naganap ang pamamaril sa Andrew’s Avenue sa Barangay 910 malapit sa Domestic Rotonda, bago mag-alas kwatro ng hapon.
Kinumpirma ni Senior Superintendent Noel Flores na binawian na ng buhay si Ortega.
Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga suspek, pero tinunton na lang mga ito at iniimbestigahan na ang motibo ng krimen.
MOST READ
LATEST STORIES