Amnesty ni Trillanes political accomodation lang ayon sa Malacañan

Political accomodation ang nakikitang rason ng Palasyo ng Malacañan kung kaya pinagkalooban ng amnesty ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Senador Antonio Trillanes IV matapos mag-aklas sa adminisrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naging malapit kasi si Trillanes sa administrasyong Aquino kung kaya pinagkalooban ng amnesty kahit na hindi sumunod sa proseso.

“I believed so. I think it was the political accommodation on the part of the previous administration,” ani Roque.

Pinanghahawakan aniya ngayon ng Malacañan ang certification ni Lieutenant Colonel Andrade, Chief Discipline Law and Order Division ng Office of the Deputy Chief of Staff for Personnel na walang avilable copy ng application for amnesty si Trillanes taliwas sa mga naglalabasang media report.

Sinabi pa ni Roque na batid ng nakaraang administrasyon na hindi sumunod sa proseso si Trillanes para makakuha ng amnesty.

Read more...