Nagbabala ang Philippine Embassy sa Japan sa hagupit ng Typhoon Jebi na sinasabing pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa sa loob ng halos 25 taon.
Sa abiso ng embahada, pinaghahanda sa malakas na ulan, hangin at mataas na alon sa karagatan ang mga Pinoy sa Shikoku, Kinki, Tohoku Tokai at Hokuriku regions sa Japan.
Pinayuhan ang mga Filipino na maging alerto at laging pakinggan ang mga ulat at babala ng local at national governments.
Pinabibisita rin ang website ng kanilang local prefectures at ng Japan Meteorological Agency.
Ibinigay din ang emergency hotlines na maaaring tawagan:
- Philippine Embassy, Tokyo: 080-4928-7979
- Philippine Consulate General, Osaka: 080-4036-7984
- Philippine Consulate General, Okinawa: 098-892-5486
Samantala, nagsimula nang bumayo ang bagyo sa Japan kung saan nagkalat sa internet ang mga larawan at videos ng hagupit nito.
MOST READ
LATEST STORIES