Ruby slippers ni Judy Garland sa ‘The Wizard of Oz’ natagpuan na

By Justinne Punsalang September 05, 2018 - 12:06 AM

AP

Makalipas ang 13 taon, nahanap na ng mga otoridad ang pares ng ruby slippers na sinuot ng aktres na si Judy Garland para sa kanyang pagganap bilang Dorothy sa pelikulang “The Wizard of Oz.”

Taong 2005 nang nakawin ang sapatos mula sa Judy Garland Museum sa Grand Rapids, Minnesota matapos pasukin ang naturang lugar.

Mayroong USD1 milyong insurance ang sapatos. Ngunit bukod dito ay naglabas ng USD250,000 reward, at mayroom pang karagdagang USD1 milyong reward na inalok ang isang tagahanga ng aktres.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung mayroong makakasuhan dahil sa pagnanakaw.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa kaso, at ngayong araw nakatakdang magsagawa ng press conference ang Federal Bureau of Investigation (FBI) Minneapolis tungkol sa karagdagang impormasyon.

Gawa ang naturang sapatos sa iba’t ibang mga materyales, kabilang ang wood pulp, silk thread, gelatin, plastic, sequins, at glass.

Taong 1939 nang ipalabas ang “The Wizard of Oz.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.