Bangkay ng pulis natagpuan sa isang ilog sa Isabela

By Justinne Punsalang September 05, 2018 - 03:43 AM

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang pulis na palutang-lutang sa ilog ng Pinacanauan sa bayan ng Palanan, Isabela, Lunes ng umaga.

Kinilala ang pulis na si Senior Police Officer 2 Patrick Udan, 41 taong gulang, at miyembro ng Palanan Municipal Police.

Ayon sa mga otoridad, isang operator ng bangka ang nakakita sa bangkay ni Udan.

Lunes ng tanghali nang kumain si Udan at PO1 Villamor Viloria sa tabi ng ilog, ngunit kinahapunan ay nawala ito.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa insidente.

Ayon sa mga otoridad, hindi nila isinasantabi ang foul play sa kadahilanang hindi agad inireport sa mga kinauukulan ang pagkawala ni Udan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.