Pangulong Duterte hindi pwedeng bawiin ang amnesty ni Trillanes — Joma Sison
Tinawag na baliw ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang pagbawi sa amnestiyang ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Senador Antonio Trillanes IV.
Sa isang online interview, sinabi ni Sison na dahil sa kanyang ginawa ay nilabag ng pangulo ang principle ng amnesty at dahil dito ay malalagay si Trillanes sa double jeopardy.
Giit pa ng CPP founder, hindi maaaring bawiin ni Pangulong Duterte ang amnestiyang ibinigay ng kanyang predecessor.
Dagdag pa niya, sumang-ayon ang korte at Kongreso sa amnesty na ibinigay sa mga miyembro ng Magdalo na nagsagawa ng kudeta noong 2003 at 2007.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.