Kampo ni Ex-Pnoy nanindigang nagsumite ng aplikasyon para sa amnesty si Trillanes

Nanindigan ang kampo ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino na mayroong mga dokumento na magpapatunay ng aplikasyon ni Sen. Antonio Trillanes para sa amnesty program.

Ito ay matapos ipawalang-bisa ng Malacañang ang amnestiya ng senador dahil sa kabiguang makatugon sa kinakailangang requirements.

Kabilang dito ay ang aplikasyon para sa amnesty sa Department of National Defense.

Matatandaang sa inilabas na proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinumpirma ni Justice Sec. Guevarra, sinabing walang Official Amnesty Application Form ang senador.

Gayunman, sa kanyang Twitter, inilabas ni Atty. Abigail Valte, spokesperson ni dating Pangulong Benigno Aquino ang picture at video footage ng aplikasyon ni Trillanes.

Ani Valte, nakapagtataka na hindi mahanap ng administrasyon ang nasabing mga ebidensya kung saan ang kailangan lang naman anyang gawin ay maghanap sa internet.

Read more...