Nagwagi ang San Beda Red Lions kontra sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa kanilang naging tapatan para sa NCAA Season 94 men’s basketball kagabi.
Natapos ang laro sa iskor na 73-45, pabor sa Red Lions.
Pumalo sa 29 na puntos ang inungos ng San Beda sa JRU pagdating ng fourth quarter.
Pinangunahan ni Robert Bolick ang Red Lions sa pamamagitan ng kanyang 14 points at 12 rebounds.
Para naman sa Bombers, si Jed Mendoza ang tanging nakapagtala ng double-digit score na 13 points.
MOST READ
LATEST STORIES