Roque: Senado hindi apektado sakaling muling makulong si Trillanes
Tiniyak ng Malacañang na walang epekto sa trabaho sa Senado ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar at pulis na arestuhin si Senador Antonio Trillanes IV matapos ipawalang bisa ang kanyang amnesty dahil sa kasong kudeta.
Ayon kay Presidential Harry Roque, isang independent branch ng gobyerno ang Senado at nakapagdedesisyon bilang isang collegial body.
Kahit makulong aniya si Trillanes, mayroon pa naman dalawampu’t dalawang senador na makadadalo sa sa sesyon para makabuo ng quorum.
Ang mahalaga lang ayon kay Roque ay matiyak na mayroong mayorysa ang senado bago maglatag ng anumang desisyon.
Bukod kay Trillanes, nakakulong na rin ngayon sa Philippine National Police (PNP) custodial center si Sen. Leila De Lima dahil naman sa kaso sa ilegal na droga.
“Wala naman pong epekto dahil alam naman po natin, indipendiyenteng sangay ng gobyerno ang Senado ‘no, at ang desisyon naman po ng Senado ay adopted as a collegial body”, pagdidiin pa ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.