Liderato ng Kamara muling binalasa

By Erwin Aguilon September 04, 2018 - 05:19 PM

Matapos ang mahigit isang buwan na pagiging House Speaker ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo patuloy pa rin ang rigodon sa mga opisyal ng Kamara.

Kabilang sa bagong lider ng Kamara si Sulu Rep. Munir Arbison na dating vice chairman ng House Committee on Public Works and Highways na itinalagang Deputy Speaker.

Ito ay matapos mag-manipesto si House majority Leader Rolando Andaya sa plenaryo na siyang nagpasok ng nominasyon kay Arbison.

Si Arbison ang ipinalit kay Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema bilang Deputy Speaker na itinalaga naman bilang chairman ng Committee on Muslim Affairs.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng Deputy Speaker mula sa lalawigan ng Sulu.

Nagpasalamat naman si Arbison sa pagluklok sa kanya sa posisyon dahil patunay lamang anya ito na mabibigyan ng maayos na representation ang mga taga-Mindanao.

TAGS: arbison, Arroyo, Congress, sema, Sulu, arbison, Arroyo, Congress, sema, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.