Trillanes mananatili lang sa loob ng Senado

By Den Macaranas September 04, 2018 - 03:21 PM

Inquirer photo

Mananatili sa loob ng Senado si Sen. Antonio Trillanes IV makaraang ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty at ipag-utos nito ang paghuli sa mambabatas.

Ipinaliwanag ni Trillanes na nakausap na niya si Senate President Vicente “Tito” Sotto III at siya ay isasailalim sa custody ng Senado.

Nauna na ring iminungkahi ni Sen. Franklin Drilon na isailalim sa pangangalaga ng pangulo ng Senado si Trillanes.

Inihahanda na rin ng mga abogado ni Trillanes ang kanilang ihahaing petisyon sa Supreme Court na kumukwestyon sa Proclamation Order 572 na inilabas ni Pangulong Duterte.

Laman ng nasabing proklamasyon na mali ang ibinigay na amnesty kay Trillanes kaugnay sa pagkakasangkot nito sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege.

Si Trillanes kasama ang ilang mga miyembro ng Magdalo ay binigyan ng amnestiya ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong November, 2010.

Sa kanyang naunang pahayag ay sinabi ng mambabatas na nag-file sila ng aplikasyon para sa amnestiya sa Department of National Defense noong January 5, 2011.

TAGS: amnesty, Aquino, duterte, Supreme Court, trillanes, amnesty, Aquino, duterte, Supreme Court, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.