Pagbawi ng amnesty kay Senator Trillanes paghihiganti lang – Rep. Alejano
Naniniwala si Magdalo Rep. Gary Alejano na political persecution ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawi ng amnesty na iginawad ni dating Pangulong Benigno Aquino III kay Senator Antonio Trillanes.
Ayon kay Alejano, matagal na nilang naririnig na matagal nang gustong gawin ito ng pamahalan kay Trillanes.
Sinabi ni Alejano na ang amnesty ay ibinigay sa lahat ng mga nag-apply para dito na kabilang sa Oakwood mutiny noong taong 2003.
Dahil dito, mare-revoked din anya ang amnesty na ibinigay sa iba.
Hindi naman masabi ng mambabatas na kabilang din sa nabiyayaan ng amnestiya kung may legal na basehan ang ginawa ni Duterte.
Bukod dito, hindi anya maaring gawin mag-isa ito ng kongreso dahil inaprubahan din ng Kongreso ang pagbibigay ng amnesty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.