2 patay sa aksidente sa Quezon

Inquirer file photo

Patay ang dalawa katao makaraang magkabangga ang isang pampasaherong bus at truck sa bahagi ng Maharlika Highway sa Tiaong, Quezon Lunes ng gabi.

Ayon kay Quezon police chief Sr. Supt. Osmundo de Guzman, nagkabangga ang minamanehong truck ni Leandro Hilado sa pasalubong na Mega Bus Line bus na may plakang AJA 1114 sa Barangay Talisay bandang 11:30 ng gabi.

Nagtamo ng matinding injuries si Hilado dahilan para sa agarang pagkamatay nito.

Samantala, dead-on-arrival naman ang hindi pa nakikilalang kasamahan ni Hilado matapos mapuruhan sa ulo at katawan.

Ayon sa pulisya, sinabi ng mga nakasaksi na nag-overtake ang trak sa isang motorsiklo kaya’t hindi napansin ang kasalubong na bus.

Sa ngayon, nakadetine naman ang drayber ng bus na si Romeo Delocino sa kulungan.

Mahaharap si Delocino sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide at damage to property.

Read more...