P12 minimum na pamasahe sa jeep inihirit dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo
Dahil sa pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo inihirit ng isang transport group na gawing P12 na ang minimum na pamasahe sa jeep.
Ayon kay Zenaida Maranan, presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), malaki na ang nabawas sa kita ng mga tsuper at operator dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo.
Pinakahuli ay ang P1.20 kada litrong pagtaas sa presyo ng diesel na ipinatupoad ng mga kumpanya ng langis ngayong umaga.
Ani Maranan, dahil sa pinakabagong oil price hike, tinatayang mababawasan ng P200 ang kita ng mga driver.
Kung pagbabasehan ang itinaas sa presyo ng krudo sinabi ni Maranan na dapat ay P12 na ang minimum na pamasahe sa jeep.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.