6 na Nigerian arestado sa pagkakasangkot sa internet scam

By Angellic Jordan September 04, 2018 - 10:48 AM

Arestado ang anim na Nigerian national na umano’y sangkot sa iba’t ibang internet scam sa Imus, Cavite.

Naaresto ang mga suspek sa tatlong magkakatabing apartment sa bahagi ng Barangay Malagasang, Lunes ng gabi.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), ilan sa mga modus ng suspek ay ang “I love you” scam, “man in the middle” scam.

Sa “I love you” scam, pinagbabayad ang mga babaeng Pilipino ng shipping fee at tax para sa umano’y relo ngunit walang natatanggap na package nito.

Sa “man in the middle” scam naman, hina-hack ng mga suspek ang e-mail accounts ng mga biktima para malaman ang detalye ng bank accounts ng mga ito.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, matagal ng minamanmanann ang mga dayuhang suspek.

Dagdag pa nito, maraming nabibiktima ang mga suspek na pinaniniwalaang kabilang sa sindikato na may kalat na ilegal na operasyon sa bansa.

Samantala, itinanggi naman ng mga suspek ang kaso.

TAGS: cavite, i love you scam, internet scam, man in the middle scam, nigerians, cavite, i love you scam, internet scam, man in the middle scam, nigerians

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.