Amnestiya na ibinigay kay Sen. Trillanes pinawalang-bisa ni Pang. Duterte

INQUIRER FILE PHOTO

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amenstiya na ipinagkaloob kay Senator Antonio Trillanes IV.

Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra ang pagbawi ng pangulo sa amnestiya kay Trillanes.

Batay sa proclamation number 572 na nilagdaan ni Pangulong Duterte, hindi naghain si Trillanes ng Official Amnesty APplication Form nang siya ay pagkalooban nito.

Maliban dito, hindi rin umano kailanman umamin o nagkaroon ng admission of guilt sa panig ni Trillanes sa kinasangkutan niyang Oakwood Mutiny at Peninsula Manila Jotel Siege.

Dahil sa hindi pagtugon ni Trillanes sa mga requirements para mag-qualify sa ilalim ng Amnesty Proclation ay pinawalang-bisa ito ng pangulo.

Nakasaad din sa kautusan ng pangulo na effective immediately ang pagbawi.

Inatasan din ang Department of Justice at ang Court of Martial ng AFP na ituloy ang pagsusulong ng kasong kriminal at administratibo laban sa senador.

Habang inatasan naman ang AFP at PNP na arestuhin si Trillanes para madala siya sa bilangguan at maharap niya ang paglilitis.

Read more...