Pagtanggap ng aplikante para sa bakanteng pwesto sa SC natapos na

Sarado na ang pagtanggap ng aplikasyon at nominasyon ang Judicial and Bar Council para sa isang bakanteng pwesto sa Korte Suprema bilang Associate Justice kapalit ng naitalagang ombudsman na si Justice Samuel Martirez.

Ayon kay DOJ secretary at ex-officio member ng Judicial and Bar Council Menardo Guevarra, mayroong walong mahistrado ng Court of Appeals, at apat na iba pa ang nag-apply para maging Supreme Court Associate Justice.

Kabilang sa mga aplikante para sa bakanteng pwesto sa SC ang mga sumusunod:

• Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez
• CA Justice Oscar Badelles
• CA Justice Manuel Barrios
• CA Justice Apolinario Bruselas Jr
• CA Justice Rosmari Carandang
• CA Justice Stephen Cruz
• CA Justice Japar Dimaampao
• CA Justice Amy Lazaro Javier, at;
• CA Justice Ramon Garcia
• Tagum City RTC Br. 1 Judge Virginia Tehano-Ang
• Associate Dean of the Centro Escolar University School of Law Atty. Rita Linda Jimeno
• Isa pang hindi pinangalanan dahil nirerepaso pa ng JBC ang kanyang dokumento

Itatakda pa naman ng JBC ang public interview sa mga aplikante pero tutukuyin naman ng JBC ang mga sumalang na kamakailan sa public interview para hindi na sila sasalang muli.

Samantala, noong Aug. 31 binuksan naman ng JBC ang pagtanggap ng aplikasyon para sa nabakanteng pwesto ni Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Sa Oct. 1 naman ang deadline ng pagtanggap ng nominasyon at mga aplikante.

Read more...