Bungo ng kauna-unahang tao sa Brazil natupok sa nasunog na National Museum
Kasama ang bungo ng itinuturing na kauna-unahang Brazilian sa napinsala sa sunog na naganap sa National Museum sa Brazil.
Ang bungo na pinaniniwalaang 12,000 taon na ay pinangalanang “Luzia” ng pamahalaan ng Brazil na kamakailan ay nagawan pa ng digital image ng mukha gamit ang bungo at saka inilagay sa Museo.
Ayon kay Paulo Knauss, direktor ng national history museum ng Brazil itinuturing nilang priceless si “Luzia”.
Maliban kay “Luzia” laman ng nasunog na museum ang 20 milyong valuable pieces.
Ayon sa tagapagsalita ng fire department na si Roberto Robadey, dalawang fire hydrants na pinakamalapit sa museum ay hindi gumagana.
Dahil dito, kinailangang kumuha ng tubig ng kanilang mga truck sa kalapit na lawa.
May mga fire extinguishers naman sa museum pero hindi pa natutukoy kung mayroong mga sprinklers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.