Coach Yeng Guiao, hindi muna inanunsiyo ang mga bubuo ng Gilas na lalaban sa Iran

By Rod Lagusad September 04, 2018 - 06:55 AM

SBP Photo

Hindi muna inilabas ni Coach Yeng Guiao ang mga manlalarong magiging bahagi ng Gilas Pilipinas na lalaban sa koponan ng Iran sa Tehran.

Ayon kay Guiao may line up na pero may mga isyu pa kaya di pa niya maanunsyo ang mga kabilang dito.

Aniya kinakailangan nilang maging sigurado muna sila sa sitwasyon nila Greg Slaughter, Stanley Pringle and Christian Standhardinger.

Isa kanila ang pinagpipilian na maging naturalized player ng koponan.

Dagdag pa ni Guiao isasabay na nila ang announcement ng line up kapag natukoy na kung sino ang 12th slot.

TAGS: FIBA, Iran, Philippine Basketball Team, FIBA, Iran, Philippine Basketball Team

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.