4 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa isang bahay sa Cagayan de Oro

By Justinne Punsalang September 04, 2018 - 05:01 AM

Sumalpok ang isang pampasaherong jeep sa isang bahay sa Barangay Bulua, Cagayan de Oro.

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa katawan ang tatlong sakay na pasahero at driver ng jeep.

Ayon sa isa sa mga pasahero, mabilis ang patakbo ng driver sa kanyang sasakyan.

Maswerteng walang tao sa loob ng bahay nang maganap ang aksidente.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na mayroong sumalpok na jeep sa naturang bahay. Katunayan, taong 2016 nang bumangga ang isang jeep matapos masira ang brake ng sasakyan.

Maayos naman ang sitwasyon ng mga sugatan matapos dalhin sa ospital.

Posibleng maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple phyiscal injuries and damage to property.

TAGS: Cagayan De Oro, Cagayan De Oro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.