P1.5M shabu nasabat sa 5 katao sa Quezon City
Kabilang ang isang matandang babae sa limang naaresto ng mga otoridad matapos magkasa ng buy bust operation ang mga ito sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
Ayon sa National Capital Region Police Office – Regional Drug Enforcement Unit (NCRPO-RDEU), ang mga naaresto ay isang matandang babae at apat na lalaki.
Narekober mula sa mga drug suspek ang 225 gramo ng hinihinalang shabu na nakasilid lamang sa plastic ng yelo.
Tinatayang nagkakahalaga ang nasabat na iligal na droga ng P1.53 milyong piso.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.