Pangulong Duterte, nagpasalamat sa tulong ng Israel upang matigil na ang Marawi siege

By Justinne Punsalang September 04, 2018 - 04:57 AM

Taos puso ang naging pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan ng Israel dahil sa kanilang naging tulong upang mawakasan ang kaguluhang nangyari sa Marawi City noong nakaraang taon.

Sa talumpati ng pangulo bago ang paglagda sa mga kasunduan ng Israel at Pilipinas, sinabi nito na malaki ang naitulong ng Israel upang masugpo ang ISIS-inspired Maute terror group.

Sinabihan pa ni Pangulong Duterte si Isreali Prime Minister Benjamin Netanyahu na dahil sa kanilang tulong ay na-preserve ang Pilipinas.

Hindi na binanggit ng punong ehekutibo kung ano ang mga partikular na ibinigay na tulong ng Israeli government sa Pilipinas, ngunit sa kanyang pakikipagkita sa Filipino community sa nasabin bansa, kanyang sinabi na mga intelligence gadgets ang ibinigay ng Israel.

Pagtitiyak pa ng pangulo kay Netanyahu, dahil sa kaparehong ‘passion for peace’ ng kanilang mga pinamumunuang bansa ay makakaasa ang Israel na tutulungan din sila ng Pilipinas kung kinakailangan.

TAGS: israel, marawi, Rodrigo Duterte, israel, marawi, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.