Quo warranto petition laban kay Pangulong Duterte, pinababasura ni Calida

By Justinne Punsalang September 04, 2018 - 04:47 AM

Hiniling ni Solicitor General Jose Calida na ibasura ng Korte Suprema ang nakahaing quo warranto petition laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Calida, walang merito ang quo warranto petition na ihinain ni Elly Pamatong laban sa pangulo.

Batay kasi sa petition ni Pamatong, hindi qualified si Duterte na manungkulan bilang pinuno ng Pilipinas dahil hindi valid ang kanyang inihaing certificate of candidacy (COC) para sa nakaraang 2016 national elections.

Paliwanag ni pamatong, hindi pinapayagan sa batas ng bansa ang ginawa ng pangulo kung saan binawi nito ang kanyang COC para sa pagka-alkalde ng Davao City at pinalitan ito ng COC para sa pagka-pangulo.

Dagdag pa nito, late na nang ihain ni Duterte ang kanyang COC at hindi umano ito inaprubahan ng Commission on Elections (COMELEC) en banc.

Ngunit ayon kay Calida, isa lamang ‘nuisance petition’ ang paghahain ni Pamatong ng quo warranto petition laban kay Pangulong Duterte. Aniya, puro alegasyon lamang na walang katotohanan ang naging basehan nito sa pagsasampa ng petition.

Dagdag pa ni Calida, valid ang inihaing COC ni Duterte nang ito ay tumakbo noong 2016 national elections sa ilalim ng Resolution No. 10028 ng COMELEC.

Hindi rin aniya kaila na napakalaki ng lamang ni Pangulong Duterte sa kanyang contender noong 2016 na si dating Senador Mar Roxas, na nangangahulugang pinili ng mas nakararaming Pilipino si Duterte upang pamunuan ang bansa.

TAGS: jose calida, quo warranto, jose calida, quo warranto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.