Magnitude 3.6 na lindol naramdaman sa Leyte
By Justinne Punsalang September 04, 2018 - 04:44 AM
Niyanig ng isang magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Capoocan, Leyte.
Batay sa inilabas na abiso ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig alas-11:43 ng gabi ng Lunes.
Naitala ang episentro ng lindol sa layong 9km hilagangkanluran ng Capoocan at may lalim itong 5km.
Dahil sa tectonic na pagyanig, naitala ang instrumental Intensity I sa lungsod ng Ormoc.
Wala namang inaasahang anumang pagkasira ng mga ari-arian o aftershocks ang naganap na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.