3 mandurukot arestado sa Mandaluyong City

Agad naaresto ang tatlong mandurukot matapos mambiktima ng pasahero ng bus sa kahabaan ng EDSA na sakop ng Mandaluyong City.

Kwento ng biktima, natutulog siya sa biyahe mula sa kanyang trabaho nang maramdamang tila may gumagalaw sa kanyang gamit.

Pagtingin nito sa kanyang bag, napansin niyang nakabukas na ang zipper nito at wala na ang kanyang cellphone.

Mabuti na lamang at mayroon siyang kasabay na isang off duty na pulis, kaya naman bago pa makababa ang mga suspek ay naaresto ang mga ito.

Nakilala ang mga mandurukot na sina Edmar Martin, Ruel Peralta, at Roldan Rosales.

Hindi naman na itinanggi ng tatlo ang ginawang krimen.

Narekober mula sa kanila ang cellphone ng biktima, at isa pang cellphone na posibleng pag-aari ng iba pang nabiktima ng tatlo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong theft.

Read more...