Pilipinas at Indonesia, muling bubuhayin ang flights sa pagitan ng Davao at Manado

By Rod Lagusad September 04, 2018 - 04:25 AM

Nagkasundo ang Pilipinas at Indonesia na buhayin ang mga flights sa pagitan ng Davao at Manado.

Sa inilabas na pahayag na pirmado nina Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee at Indonesian Ambassador to the Philippines Sinyo Harry Sarundajang ay nagkasundo ang dalawang bansa para dito.

Ayon dito, na dahil sa muling pagbuhay ng nasabing flight ay umaasa na makakadagdag ito sa pag-unlad ng turismo, trade at investment sa dalawang bansa.

Ang Davao ay isanng economic powerhouse na lungsod sa bansa habang ang Manado ay isang business center sa Indonesia at gateway para sa iba pang magagandang aktibidad sa bansa ayon kay Transport Undersecretary for Airports and Aviation, na kasama ding sumaksi sa paglagda ng kasunduan.

Aniya dahil dito, makakatulong ang pagkakaroon ng commercial flights sa pagitan ng dalawang lungsod para sa mga estudyante na mula sa Manado na nag-aaral sa Davao.

Kaugnay ito ng naging pagpupulong ng mga ambassadors ng 2 bansa at ni Transportation Secretary Arthur Tugade noong August 31.

TAGS: Davao, Manado, Davao, Manado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.